Sa inisyatibo ni Mayor Ferdie V. Estrella, pinangunahan ng Baliwag City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at City Public Order and Safety Office (BCPOSO) ang isang matagumpay na Town-Wide Clean-Up Drive and Tree Planting Activity na ginanap noong ika-2 ng Agosto, sa Baliwag Business Center.

Nilahukan ito ng mahigit 600 Baliwagenyo na buong puso ang pakikiisa sa simultaneous clean-up at tree planting activity sa iba’t ibang lugar sa lungsod. Kabilang sa mga pinagtaniman ng 100 native trees ang Bagong Nayon Access Road, Baliwag Government Complex, at Baliwag-Pulilan Boundary.

Bilang kinatawan ng aktibidad, siniguro ni Mayora Jonnah Estrella na hindi lamang ito naglalayong linisin ang kapaligiran kundi pati na rin palawakin ang green spaces sa lungsod upang masiguro ang mas malinis at mas sariwang hangin para sa mga susunod na henerasyon.

Ang naturang aktibidad ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Rotary Club Uptown Baliwag, JCI Baliwag Buntal, Zonta Club of Baliwag, at Bulacan Eagles – Baliwag Chapter.

#BaliwagCity

#BaliwagCity