Sa kabila ng kapansanan, hindi nagpahuli ang Baliwagenyo persons with disabilities (PWDs) na nagpakita ng kanilang mga natatanging talento sa katatapos lamang ng Baliwag PWD Got Talent, noong ika-18 ng Hulyo, na ginanap sa Baliwag Star Arena.

Sa pagdiriwang ng 46th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week, tampok ang husay at determinasyon ng mga Baliwagenyo PWDs na nagpakitang-gilas ng kanilang mga nakabibilib na kakayahan.

Pinangunahan ni Mayora Sonia Estrella ang pograma sa pagbigay ng kaniyang mensahe. Ayon sa kaniya, mula pa noong panahon ng panunungkulan ni dating Mayor Romy Estrella hanggang kay Mayor Ferdie, ay buong puso ang pagsuporta ng kanilang pamilya para sa sektor ng mga pwd.

Bukod sa isinagawang talent competition ay nagkaroon din ng NutriTalks para talakayin ang mga impormasyong pang-kalusugan ng mga PWDs na pinangunahan ni Ms. Loribel L. Cao ng Baliwag City Nutrition Action Office (CNAO), kaugnay ng selebrayon ng Nutrition Month ngayong buwan.

Layunin ni Baliwag City Mayor Ferdie V. Estrella, sa pamamagitan ng Baliwag City Social Welfare and Development (CSWDO), na pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga PWDs sa lungsod sa pamamagitan ng mga espesyal na programang handog ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag.

Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 361, itinalaga ang ikatlong linggo ng Hulyo para ipagdiwang ang NDPR Week upang bigyang-pugay ang PWDs sa pagpapakita ng kanilang determinasyon na harapin ang hamon ng buhay sa kabila ng kanilang kapansanan na nagsisilbing inspirasyon sa mga mamamayan.

#BaliwagCity

#BaliwagCityPWD