Upang higit pang mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga kabataan at kababaihan sa Lungsod ng Baliwag, nagsagawa ng 3rd Quarter Joint Meeting ang Local Council for the Protection of Children (LCPC) at Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC), noong Setyembre 24, sa Conference Hall ng lungsod.

Tinalakay dito ang progreso ng lungsod ng Baliwag sa pagpapatupad ng kanilang Early Childhood Care and Development (ECCD) kung saan ay nagsagawa sila ng training para sa Supervised Neighborhood Play na nagbibigay ng oportunidad para matuto ang mga kabataan sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad.

Para bigyang kahalagahan ang gampanin ng magulang habang lumalaki ang kanilang anak, isinagawa nila ang Parenting Effectiveness Seminar (PES) upang mas maunawaan nila ang layunin ng ECCD Program at hikayatin silang makiisa sa Parent’s Orientation and Election of Officers.

Bukod dito, ibinahagi rin sa pagpupulong ang estado ng mga kaso ng child abuse, VAWC, at human trafficking, na may kaugnayan sa mga kaso ng Child at Risk (CAR) and Children in Conflict with the Law (CICL) kung saan bumuo ng mga hakbang ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag upang pababain ang mga kasong ito.

Nilinaw din dito ang nararapat na pagbibigay ng Barangay Protection Order at Certificate to File Action (CFA), gayundin ang due process of filing ng mga kaso upang maiwasan ang dismissal. Iminungkahi na pagtibayin ang pagpapatupad ng proper filing processes sa lungsod.

Napag-usapan din ang mga programang ilulunsad, kabilang ang symposium sa public high schools at mga aktibidad para sa Children’s Month. Ilan sa mga programang isusulong ay nakatuon sa Health and Nutrition, Special Education, Safe Spaces Act Awareness, Reproductive Health, Mental Health, at Anti-drug prevention.

Sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella, tutok ang Pamahalaang Lungsod sa pagsusulong ng mga programa laban sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso sa kabataan at kababaihan upang masiguro ang isang ligtas at maunlad na komunidad para sa mga Baliwagenyo.

 

#BaliwagCity

#SerbisyongMayMalasakit