

Ibang klaseng saya ang hatid sa 70 kabataang Baliwagenyo na benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES), matapos maipamahagi ang kanilang 1st SPES payout kapalit ang 20 araw na patatrabaho sa iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Lungsod habang school break.


Ang kanilang natanggap na sahod ay bunga ng pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag sa Department of Labor and Employment (DOLE) kung saan 60% ay mula sa pondo ng pamahalaan at 40% ay mula sa DOLE, nakatanggap din sila ng free SPES shirt, ID, gayundin ay dumaan sa mga seminars at trainings sa ilalim ng Gabay sa Kinabukasan Program.

Nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod sa DOLE at sa Baliwag City Public Employment Service Office (PESO), sa pamumuno ni Ms. Jennelyn Marcelo-Sabangan sa matagumpay na pagpapatupad ng programang ito.
#BaliwagCity
#SPES
#AlagangEstrella
#SerbisyongMayMalasakit
#DugongBaliwagPusongBaliwag