Noong ika-1 ng Hulyo, muling sumailalim ang Lungsod ng Baliwag sa regional validation para sa Manila Bayani Awards ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Layunin nitong suriin ang pagsunod ng lungsod sa mga batas pangkalikasan kaugnay ng rehabilitasyon ng Manila Bay, partikular sa solid waste management, liquid waste management, pamamahala sa informal settler families, at IEC and institutional arrangement.
Matatandaang nakamit ng lungsod ang kauna-unahang Hall of Fame Award sa Manila Bayani Award dahil sa sunod-sunod na pagkakapanalo nito sa magkakasunod na 3 taon.
Isinagawa ang validation sa pangunguna ng Baliwag City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at ng Regional Inter-Agency Committee na binubuo ng mga kinatawan mula sa DILG, Department of Environment and Natural Resources (DENR), National Housing Authority (NHA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), at Environmental Management Bureau (EMB).
Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, sa pamamagitan ng Baliwag CENRO, ang pangangalaga sa kalikasan para mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan at sa adhikain para sa mas luntiang Baliwag.
#BaliwagCity
#BaliwagCENRO
#ManilaBayaniAwardsAndIncentivesComplianceAssessment
#SerbisyongMayMalasakit