Sa ilalim ng temang, “Magkakatuwang sa Serbisyong May Malasakit para sa Matatag at Kalidad na Edukasyon ng mga BaliwagHenyo”, matagumpay na idinaos ang kauna-unahang Baliwag City Education Summit 2024 na dinaluhan ng mga samahang may tungkulin at gampanin pagdating sa edukasyon, noong ika-1 ng Hulyo, sa Baliwag Star Arena.

Pinangunahan ni Ms. Rowena T. Quiambao, CESO IV, ang komprehensibong pag-uulat ng iba’t ibang datos na kanilang nakalap mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng Baliwag, tulad ng participation rate, cohort survival rate, at drop-out rate. Kaugnay nito, tiniyak naman ng bawat kapitan ng barangay ang kanilang kooperasyon upang mapababa ang kaso ng drop-outs sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni City Mayor Ferdie V. Estrella ang kahalagahan ng pagsasagawa nito, upang i-align ang mga programang pang-edukasyon ng private at public schools. Maliban dito, sa kanyang inisyatibo ay naitatag ang Baliwag City Schools Division ngayong taon na lubos na kapaki-pakinabang sa sektor ng edukasyon ng lungsod.

Inilatag din niya ang ilan sa kanyang mga makabuluhang plano para sa edukasyon tulad ng:

  • Pagpapatayo ng mga karagdagang paaralan kabilang ang Pagala Elementary School, Pinagbarilan High School, Subic Integrated School, Sto. Niño Elementary School, Science High School at Agricultural High School
  • Pagpapatayo ng Special Education (SPED) Center
  • Pag-iinvest ng tablets at robotic kits para Information and Communication Technology (ICT) education
  • Pag-level up ng sports programs at pagbibigay-incentives para sa Baliwagenyo student athletes na nagwagi sa Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA)
  • Pagpapatayo ng sports complex kung saan ay may indoor games, sports oval, olympic size swimming pool o ang Baliwag Aquatic and Sports Arena (BASA)
  • Special program for the Arts
  • Pagsasama sa curriculum ng Technology and Livelihood Education (TLE) subjects ng buntal weaving in handicrafts
  • Pagpapagawa ng Baliwag Performing Arts
  • Pagpapalakas sa reading and math program
  • Pagpapalakas ng mental health program sa pamamagitan ng guidance centers
  • Pagpapatuloy ng scholarship para sa mga gurong nais kumuha ng Masteral Degree
  • Bridge program para sa mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod
  • Paggawang unibersidad sa Baliwag Politechnic College

Samantala, nagsilbing guest speakers sa programa sina DepEd Regional Director May B. Eclar, PhD, CESO III, DILG Bulacan Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, Former Bulacan Governor Josefina M. Dela Cruz, at BTECH College Administrator, Atty. Robert John I. Donesa na nagbahagi ng kanilang mga kaalaman para sa pagpapatatag ng kalidad ng edukasyon.

Matapos nito ay nagsagawa naman ng Question and Answer portion upang dinggin ang iba’t ibang saloobin ng mga nakiisa kabilang ang ilang katanungan ukol sa mga napapanahong isyu at suliranin ng sektor para sa mas matatag at kalidad na edukasyon na huhubog sa bawat BaliwagHenyo.

#BaliwagCity

#BaliwagEducSummit2024