

Isinagawa ang isang makabuluhang seremonya ng pagsunog ng lumang watawat nitong ika-16 ng Hunyo sa Baliwag City Hall Grounds, sa pangunguna nina Mayor Ferdie V. Estrella, City Administrator Enrique V. Tagle, at BTECH President Emiterio L. Tiburcio.
Ang seremonya ay isinabay sa lingguhang pagtataas ng watawat na pinangunahan naman ng Dalubhasang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag (BTECH). Bilang bahagi ng programa, nagsagawa rin ng isang maikling dulang pampatriyotiko ang mga mag-aaral mula sa BTECH na nagbigay-diin sa kahalagahan ng respeto at paggalang sa pambansang sagisag.
Ang lumang watawat ay sinunog at inilibing alinsunod sa opisyal na ritwal sa ilalim ng Section 14 ng Republic Act No. 8491, o ang “Flag and Heraldic Code of the Philippines”, upang bigyang-galang ang bandila ng Pilipinas na hindi na maaaring gamitin dulot ng pagkasira o pagkaluma.
Ang naturang aktibidad ay nilahukan din ng mga kawani ng pamahalaang lungsod, mga estudyante, guro, at iba pang kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng Baliwag.
#BaliwagCity
#SeremonyaNgPagsusunogNgWatawat