SERBISYONG MAY MALASAKIT ; PARA SA LAHAT NG BALIWAGENYO!

No comments

Nagkaroon ng Program Review o Pag Susuri at Pag uulat sa programa ng DSWD Regional Office III na Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa Bayan ng Baliwag nito lamang Enero 12, 2018.

Pinangunahan ng Masipag na Punong Bayan Ferdie Estrella ang pagtalakay sa mga aspeto ng pag papaunlad at pagpapasaayos pa sa programang ito na kung ma kukunsidera ng Pamahalaang National ay mas higit na mapapakinabangan ng mga Pamilyang Nangangailangan ang Benepisyo ng nasabing Programa.

Nasa nasabing PREW ang mga representante ng DSWD Region III na sina Ms Mercy Ventura, Aubree Chavez, Roschelle Ingco, Abigail Bautista at Ms Winona Reves na kumatawan para sa Regional Office ng DSWD na nagbaba ng naturang programa sa bayan. Naroon rin kasama ng Punong Bayan Ferdie Estrella si Ms Josephine Lopez, MSWDO ng Baliwag at Mr Alvin Lee Asuro para iulat ang mga mungkahing programa at tulong ng Pamahalaang Bayan para sa pag papabuti ng Pantawid Pamilya.

Ilan sa mga tulong na naibibigay na ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag bukod sa naibibigay ng national government para sa mga Pantawid Beneficiaries ay ang pag bibigay ng mga trabaho at kasanayan sa pamamagitan ng PESO Baliwag, pag tugon sa mga pangkalusugang usapin tulad ng malnutrisyon na tinututukan ng Baliwag Nutrition Council, mga usapin ukol sa kalusugan ng sanggol at ng isang nagdadalang tao na ina na minomonitor ng Baliwag Health Unit, mga social issues tulad ng counselling para sa mga ina, ama o miyembro ng Pamilya na nangangailangan ng pag papaunawa na siyang tinutukan ng Baliwag MSWDO at marami pang ibang serbisyong handog ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag hindi lamang sa mga miyembro ng Pantawid Pamilya bagkus ay handog para sa lahat ng Baliwagenyo.

Sa nasabing PREW ay dumalo ang anim na put isang Parent Leaders mula sa dalawamput pitong barangay ng bayan upang i represent ang isang libo at walong daan at tatlumput dalawang (1832) benepisyaryo ng Pantawid. Humiling ang mga ito na sila ay magkaroon ng Pagkilala sa katayuan nila bilang mga leader ng nasabing programa, ngunit higit dito ay Sinabi at tiniyak ng Punong Bayan Ferdie Estrella na sila ay mabibigyan ng ID ng Pamahalaang Bayan at Uniporme bilang pormal na pagtanggap at pagkilala sa mga ito bilang katuwang ng Pamahalaan Bayan sa pag iimplementa at pag sasaayos ng mga programa para sa mga Pamilyang nangangailangan. Tinalaga rin ng Punong Bayan sa naturang kaganapan si Ms Rosalie Teodoro, upang maging LGU Link ng bayan ng baliwag na personal na susubaybay at magbibigay tulong / serbisyo kasama ang mga taga DSWD Regional Office III sa mga benepisyaryo ng Pantawid sa Bayan ng Baliwag.

Lubos na nagalak ang Punong Bayan dahil narin sa magandang epekto ng programa sa mga buhay ng benepisyaryo nito, ngunit naglalayon parin ang Punong Bayan Ferdie na hindi dito matapos ang pagbabago at pag asenso ng mga Baliwagenyong minsan nang nabilang sa sinasabi ng NHTS-PR na poorest among the poor, ang nais ng Punong Bayan ay lahat ng Baliwagenyong nangangailangan ng tulong upang umasenso at magkaroon ng mas katanggap tanggap na estado ng pamumuhay ay maisama sa mga Programa at Serbisyong handog ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag upang sa ganon ay walang sino mang Baliwagenyo ang Maiiwan sa pag unlad.

#serbisyongmaymalasakit #mfve #alagangestrella #dswd #dswdregionIII #pantawidpamilya

Mark Anthony MillanSERBISYONG MAY MALASAKIT ; PARA SA LAHAT NG BALIWAGENYO!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *