SENATOR IMEE MARCOS, NAG-ABOT NG P6M HALAGA NA TULONG SA 2,000 BALIWAGENYOS!

By Published On: February 8th, 2024Categories: News, Social
Total Views: 680Daily Views: 1

Personal na bumisita sa Lungsod ng Baliwag si Senador Imee Marcos na siyang naglaan ng anim na milyong halaga na tulong pinansyal upang maihandog sa 2,000 Baliwagenyo sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) noong ika-7 ng Pebrero sa Baliwag Star Arena, Pagala, Baliwag, Bulacan.

Pinangunahan ni City Mayor Ferdie Estrella ang programa at malugod na sinalubong ang ating panauhing pandangal. Sa kanyang talumpati, lubos ang kanyang pasasalamat sa lahat ng tulong na ipinaaabot ng Senador at ng pamilya nito. Nabanggit din niya na ang ina ng dating first lady Imelda Marcos na si Doña Remedios Trinidad ay tubong Baliwag na siyang nagbigay ng pondo sa pagpapatayo ng pangunahing gusali ng ating City Hall noong Dekada 70.

Sa mensahe ni Sen. Imee, nagagalak siya na ganap nang isang Lungsod ang Baliwag at sa mga pagbabago na tinatamasa nito ngayon. Ibinahagi rin niya na talagang malapit ang Baliwag sa kaniyang puso, sapagkat gaya kanyang lola na si Doña Remedios Trinidad ay siya rin ay may taglay na pagiging Baliwagenya. “Isang sabi niyo lang, nandito ako para tumulong”, giit pa niya.

Matatandaang naghandog din ng cash ayuda ang Senador noong taong 2022 sa ilalim din ng DSWD-AICS program, maliban dito nagbigay din ng pondo si Senator Imee para sa ating ipinatayong tatlong palapag na Social Protection Hall Bldg.

Katuwang ang tanggapan ng DSWD Bulacan sa pangunguna ni G. Lara Tayao, personal na iginawad ni Senator Imee at Mayor Ferdie ang nasabing ayuda. Ang lahat ng benipisyaryo ay tumanggap ng halagang 3 libong piso.

Pagkatapos ng programa, dala ang kanyang Nutri-Jeep ay agad naman namahagi ang Senador ng Nutribuns sa mga batang Baliwagenyos.

Malaki ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa pamahalaang lokal sa kanilang malasakit at agarang aksyon. Sa pangakalahatan, nagbigay-pugay ang mga benepisyaryo sa pamahalaang lungsod at sa DSWD sa kanilang masusing pagpapatupad ng programa.

Kasama rin na dumalo sa nasabing programa sina Mayora Sonia V. Estrella, Bokal Casey Howard, Kon. Mabel Pascual, Kon. Joel Pascual, Kon. Kenneth Cruz, Kon. Bhang Imperial, Kon. Ogie Baltazar, Kon. Manny Balicanta, Kon. Tony Patawaran, ABC Pres. Michael R. Lopez, Police Brigider Gen. BenjaminSembrano – Deputy Regional Director for Admin, PNP Bulacan Provincial Director Relly B. Arnedo, Baliwag PNP Chief of Police PLTCOL Manny Israel, at mga kapitan ng Lungsod ng Baliwag.

#BaliwagCity