Noong Hulyo 12, bumisita si Senator Imee Marcos sa Lungsod ng Baliwag para sa isang mahalagang lokal na konsultasyon para sa Senate Bill Setting the Term of Office of Barangay Officials, na naglalayong itakda ang termino ng mga opisyal ng barangay sa anim na taon. Ang naturang konsultasyon ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa 27 barangay ng lungsod ng Baliwag.

 

Pinangunahan ni Mayor Ferdie Estrella ang nasabing aktibidad, kasama sina Mommy Sonia Estrella, ABC President Michael R. Lopez, at SK Federation President Jerome Gonzales. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Sen. Marcos ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mas mahabang termino para sa mga opisyal ng barangay upang mas epektibo nilang maisakatuparan ang kanilang mga programa at proyekto para sa komunidad.

Ayon kay Sen. Imee, ang pagkakaroon ng anim na taong termino ay magbibigay ng sapat na panahon para sa mga barangay officials na makapagplano at makapagsakatuparan ng mga pangmatagalang proyekto para sa ikauunlad ng kanilang mga barangay.

Sa kabuuan, ang lokal na konsultasyon ay nagbigay ng malinaw na direksyon at suporta para sa Senate Bill na naglalayong pahabain ang termino ng mga opisyal ng barangay, na inaasahang magdudulot ng mas matatag at mahusay na pamamahala sa mga barangay ng Baliwag.

#BaliwagCity