Damang-dama na ang kapaskuhan sa lungsod ng Baliwag sa pagbubukas ng dinadayo at binabalik-balikang bibingkahan na matatagpuan sa Baliwag Heroes Park, Baliwag City. Sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella, opisyal na itong binuksan noong Setyembre 7, kasabay pa rin ng pagdiriwang niya ng #HappyKaarawanGoals.

Taon-taon tuwing sasapit ang ‘ber’ months, pinakahihintay ng mga Baliwagenyo at maging ng mga turista na muling tikman ang mga ipinagmamalaking bibingka at puto bumbong kung saan kilala ang Baliwag City. Gabi-gabi ay hindi mawawalan ng mga parokyano na dito ay napiling magsalo-salo kasama ang kanilang mga kaibigan at kapamilya.

Ayon sa mga nagmamay-ari ng bibingkahan, ibang klase ang bibingkang Baliwag dahil sa natatangi nitong lasa na mayroong iba’t ibang version. Bukod sa bibingka at puto bumbong, matitikman din dito ang bicho-bicho, na sikat ding kakanin tuwing panahon ng Kapaskuhan.

Hindi pinalampas nina Mayor Ferdie kasama si Mommy Sonia V. Estrella na tikman ito. Samantala, ang opisyal na pagbubukas nito ay naisakatuparan sa pangangasiwa ng Baliwag City Arts, Culture, and Tourism Office, sa pamumuno ni Ms. Susie Garcia bilang hakbang ng pagpapaganda ng turismo ng lungsod.

#BaliwagCity

#HappyKaarawanGoalsNiMayorFerdieYear9

#45NaSiMayorFerdie