PARA SA MAS MAAYOS AT LIGTAS NA BALIWAGENYO: BALIWAG CITY NAGSAGAWA NG BENCHMARKING ACTIVITY SA LUNGSOD NG VALENZUELA

By Published On: February 2nd, 2024Categories: Good Governance, News, Public Order and Safety
Total Views: 565Daily Views: 2

Mainit na pagtanggap ang sumalubong sa Pamahalaang Lungsod ng Baliwag mula sa mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City sa ginanap na benchmarking activity noong Enero 31, 2024.

Pinangunahan ni City Administrator Enrique V. Tagle ang pagbisita kasama ang ibang kawani ng iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod upang alamin ang mga mahuhusay na kasanayan ng Valenzuela City pagdating sa pampublikong kaayusan at kaligtasan.

Ibinahagi ni G. Jose A. Valenzuela, Jr, pinuno ng Valenzuela City Public Order and Safety Group kasama ang ilang pinuno ng tanggapan ang mga pamamaraan ng pamahalaang lokal upang mapaghandaan, mapangalagaan at mabigyang proteksyon ang bawat mamamayan na kanilang nasasakupan.

Bilang pangwakas, nagpaabot ng pasasalamat si City Mayor Ferdie Estrella sa pamamagitan ni City Admin Enrique V. Tagle sa mainit at bukas palad na pagtanggap lalong higit sa pagbabahagi ng mga kaalaman at kahusayan para sa Pamahalaang Lungsod ng Baliwag.

Muli, maraming salamat, Valenzuela City!