Pamahalaang Bayan Ng Baliwag, Muling Hinirang Na “Child Friendly Local Government”
Kyle Jeremy
Pamahalaang Bayan Ng Baliwag, Muling Hinirang Na “Child Friendly Local Government”
Kyle Jeremy

Sa ikatlong sunod na taon ay muli na namang iginawad sa bayan ng Baliwag ang “Seal of Child Friendly Local Government Award”. Ito ay mula sa Council for the Welfare of Children (CWC), Department of Social Welfare and Development Office (DSWD), Department of Interior and Local Government (DILG) at sa pakikipag-tulungan ng Provincial Government of Bulacan. Isinagawa ang pagkilala noong Nobyembre 12, 2019 sa The Pavillion, Hiyas Convention Center, City of Malolos, Bulacan. Pinangunahan ni Igg. Kon. Lowell C. Tagle ang mga delegadong tumanggap ng nasabing parangal mula sa Pamahalang Bayan ng Baliwag kasama sina Municipal Administrator Eric V. Tagle, Social Welfare Officer III Gerard Mhel Tolentino, Nutrition Officer Brenda Balaga, Community Affairs Officer III Mercy Grace Ventura, PTA Federation President Chistopher Cruz at Day Care Worker Federation President Corazon Dantes. Ang pagkilalang ito ay nagpapatunay lamang na ang bayan ng Baliwag ay nangunguna at nakikiisa sa pagsiguro na ang bawat batang Baliwagenyo ay nakakamit ang kanilang karapatang mabuhay, umunlad, maproteksyunan at makilahok. . Layunin ng administrasyon ni Mayor Ferdie V. Estrella na mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga batang ito sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga makabuluhang programa para sa kanila.
News Articles