Pagpapatawag sa mga TODA Ikinakasa

No comments

Upang hingin ang panig ng iba’t-ibang Tricycle Operators Association dito sa ating bayan ay magpapatawag ng serye ng pagpupulong ang itatalagang Traffic Management and Transport Office upang makipagdiyalogo at siyang ihain ang nais na maging mga bagong sistema upang higit na mapaluwag ang trapiko sa ating bayan. Ilan sa mga ihahaing mga plano bunsod ma rin sa kautusan ng bagong halal na Punongbayan Ferdie Estrella ay ang mga sumusunod:

1. Kapalit ng hindi pagpenalized sa mga TODA ay isang half-day development training para sa mga mahuhuling lalabag sa alituntin pang trapiko.
2. Pagsasaayos ng mga pondohan ng mga Toda na hindi makakasagabal sa trapiko.
3. Panghihiram ng mga bakanteng lupa sa kabayanan at Paggamit sa mga lupa bilang pondohan.
4. Pagtatalaga ng mga loading at unloading zones.
5. Pagpapauniporme ng mga kasapi ng toda.
6. Paglalagay ng mga canisters bilang tapunan ng basura ng mga pasahero.
7. Pagsasaayos ng computerized database ng mga kasapi upang maging basehan sa kanilang paghuli.
8. Pagiskedyul ng orientation at paggawa ng handbook para sa mga kasapi ng TODA kalakip ang sipi ng isang handbook ng isang mabuting Baliwagenyo (Dugong Baliwag Pusong Baliwag Handbook)
9. Diyalogo para sa isasagawang workers income study upang mas malalilim natin mapag aralan ang income at productivity level ng mga nagtatricycle.
10. Diyalogo para sa pagaapruba ng bilateral agreement ng mga bayan sa pagpasok ng mga Toda mula sa ibang bayan at vice versa.
11. Pagtatalaga ng night to morning shift upang mapanatili na ang mga kasapi lamang ang makapagoperate at maiwasan ang night riders na isa sa dahilab para sa overcharging sa mga pasaheros sa madaling araw.
12. Panimulang diyalogo para sa isang Fare Matrix na katanggap-tanggap para sa ating tricycle operators at pasaheros.

adminPagpapatawag sa mga TODA Ikinakasa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *