PAGLALAGAY NG MGA BAGONG QR CODE SA MGA TAHANAN AT COMMUNITY BASED SURVEY, IKINAKASA NA!

By Published On: February 5th, 2024Categories: News, Social
Total Views: 293Daily Views: 2

Bilang paghahanda sa nakatakdang 2024 Census ng Philippine Statistic Authority (PSA), Ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag ay nagsagawa ng Coordination Meeting noong nakaraang Enero 22, 2024.

Pinangunahan ni City Administrator Enrique V. Tagle ang pagpupulong katuwang si Bb. Jackie Lou Sto. Domingo, Statistical Analyst – PSA Region III, upang magbigay ng mahahalagang impormasyon at ipaliwanag ang pakinabang at kahalagahan ng isasagawang census para makakalap ng datos na sya ring magagamit ng Pamahalaang Lungsod.

Ang mga datos na makakalap dito ay malaking tulong upang mapabilis ang pag-identify ng mga nararapat na benepisyaryo ng mga tulong sa panahon ng krisis o kalamidad; magkaroon ng updated na datos o impormasyon ang bawat barangay; at makatulong sa pagbuo ng mga plano, polisiya, at programa ang lokal na pamahalaan na naaangkop sa bawat komunidad.

Maliban dito, tinalakay din sa nasabing pagpupulong ang mga sumusunod:

  • Background and Legal Bases of CBMS And CBMS Coordination Boards (CCBs)
  • Scope and Coverage of the CBMS
  • Data Privacy and Confidentiality of Information
  • General Roles and Responsibilities of the CBMS Coordinating Boards
  • List of Possible Assistance to be provided by the CCBs
  • Presentation of 2024 CBMS Activities in Q1 2024

Inaasahang maganap ang actual CBMS Statistical and Geospatial Data Collection simula Hunyo hanggang Agosto 2024.

Kabilang din sa mga dumalo sa nasabing pagpupulong ay sina ABC President Michael R. Lopez, LGU Coordinating Members, Department Heads and Heads of Offices.

Hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag at PSA ang pakikipagtulungan ng bawat barangay at mga residente nito para sa isang maayos at matiwasay na CBMS rollout.

#BaliwagCity

#BaliwagCBMS

#2024Census