
Ngayong ika-21 ng Enero ay ating ipagdiriwang ang Kapistahan ng Santo Niño na syang patron ng mga bata. Sa ating bayan ay makulay ang pagdiriwang na ito sa pamamagitan ng Prusisyon ng iba’t ibang imahe ng Santo Niño na nakasakay sa mga Bisikleta, Tricycle, mga sasakyan at mga karo.
Nagkakaroon din ng paagaw ng mga kendi na syang ianaabangan ng mga bata. Sa araw din na ito ay binabasbasan bago matapos ang misa ang mga batang nagsidalo upang mapagkalooban ng pagpapala na nagmumula sa Diyos.
Sa ating bayan, narito ang schedule ng mga prusisyon sa iba’t ibang parokya na nasasakupan ng bayan ng Baliwag
Parokya ng Sagrada Familia Tangos – 6:00 ng umaga
Parokya ng Mt. Carmel Sabang – 8:00 ng umaga
Nuestra Señora delas Flores – 8:00 ng umaga
Parokya ng Santo Rosaryo Makinabang – 2:00 ng hapon
Parokya ni San Agustin Bayan – 2:00 ng hapon.
Narito ang Ruta ng Prusisyon sa Parokya ni San Agustin
Nawa ay maging makabuluhan ang ating Pagdiriwang ng Santo Niño at nawa ay ating ipanalangin ang mga bata sa ating bayan at sa ating bansa.
VIVA SANTO NIÑO VIVA!!!
Larawang kuha ni G. Boyet Luna
Leave a Reply