PAGDIRIWANG NG ARAW NG BARANGAY

No comments

Bilang bahagi ng taon-taong pagdiriwang ng Buntal Festival, ay muling magsasama-sama ang mga opisyal ng barangay at mga kasamahan sa paglilingkod mula sa 27 barangay ng Baliwag para sa “Araw ng Barangay” na gaganapin sa Baliwag Star Arena, Brgy. Pagala sa pangunguna ni Mayor Ferdie Estrella.

Isinasagawa ang nasabing selebrasyon bilang pagkilala at pagpapahalaga sa mga opisyal ng barangay bilang katuwang ng Pamahalaang Bayan sa paglilingkod at paghahatid ng Serbisyong May Malasakit para sa bawat Baliwagenyo. Gayundin, bibigyang parangal ang mga itinuturing na “Bayani ng Barangay” o mga karaniwang mamamayan na gumawa at nagpamalas ng mga hindi pangkaraniwang kabutihan ng kalooban at pagmamalasakit sa kapwa.

 

Tampok din sa okasyon na ito ang muling paglulunsad ng Baliwag Barangay BIDA (Best Innovations/Innovators for Development Awards) o ang pagkilala at paggawad sa mga natatanging Barangay Officials/Workers at mga Barangay Programs na tunay na mahusay at angat sa lahat.

 

Sa okasyong ito, tunay na makikita ang importansiya na ibinibigay ng Pamahalaang Bayan sa mga kawani ng barangay, at kanilang mga programa, na tunay na naghahatid ng tapat at dekalidad na serbisyo publiko sa bawat mamamayan ng bayan ng Baliwag.

 

 

john baliwagPAGDIRIWANG NG ARAW NG BARANGAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *