Tangos Footbridge, Binuksan Na

No comments

Pormal nang pinasinayaan ang bagong gawang footbridge sa Barangay Tangos, sa tapat ng Montessori de Sagrada Familia (MDSF), sa pangunguna nina Mayor Ferdinand “Ferdie” V. Estrella, Congressman Gavini “Apol” Pancho at mga kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kahapon, Hunyo 20, 2017.

Layunin ng proyektong ito ang siguraduhin ang kaligtasan ng mga Baliwagenyo, lalung-lalo na ng mga mag-aaral sa nasabing paaralan. Sa pamamagitan ng footbridge, malayang makakatawid ang mga mamamayan na hindi alintana ang mga sasakyan na dadaan. Mayroon ding elevator na maaaring gamitin ng publiko para sa kanilang karagdagang kaginhawaan.

Dumalo rin sa nasabing pagtitipon sila Konsehal Erlene Luz “Pechay” dela Cruz, Konsehal Lee Edward “Dingdong” Nicolas, Konsehal Wilfredo “Willy” Lapira, Pambayang Tagapangasiwa Enrique V. Tagle at ang pamunuan ng MDSF.

Sheena CruzTangos Footbridge, Binuksan Na

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *