SB Members sa McDonald’s: Sundin ang MoA. Mayor Ferdie Nais na Palawigin ang Programa

No comments

Baliwag, Bulacan – Matapos nga na madiskubre na sinuspinde ng McDonald’s Baliwag ang pagtanggap sa benepisyong inilaan para sa Birthday Blowout para kay Lolo at Lola, nagpahayag ng pagkadismaya si SB Committee on Senior Citizens’ Affairs Chairman, Konsehal Gener Ligon dahilan upang ipatawag niya sa Sangguniang Bayan ng Baliwag ang mga partner companies ukol dito.

Maging ang mga department heads ay inimbitahan din at hiningan ng paliwanag kung ang nasabing aksyon ay naayon sa Memorandum of Agreement na nilagdaan ng dalawang partido. Lumalabas na dapat ay nag abiso ang McDonald’s sampung araw bago ang suspensiyon kung may dahilan man.

Ayon kay Municipal Accountant Diana Payuran, “hindi natin maaiwasan na magkaroon ng mga outstanding collection sa Pamahalaang Bayan ng Baliwag ang McDonald’s ngunit ito ay iba doon sa account ng senior citizens at stipulated iyon sa contract. May mga fastfood partners din ang may malaking payables ang Baliwag pero hindi sila basta-basta nagpapatigil sa programa.”

Dumalo din si Municipal Administrator Enrique Tagle upang ipaliwanag ang mga hakbangin ng gobyerno ni Mayor Ferdie upang mapagserbisyuhan ng mas episyente hindi lang ang mga senior citizens pati na din ang mga suppliers katulad ng McDonalds. Aniya, “noong una pa man ay nakita na namin ang problema na iyan kaya naconceptualize ang Baliwag Benefits Card. Masyadong nadedelay ang mga fastfood sa documentation procedure ng programang iyan kaya naiintindihan natin kung bakit nahuhuli sila mag bill lalo na kung December. Bukod sa mas madami na ang nagaavail sa programang iyan ay nais sana ni Mayor Ferdie na mas mapalawig ang mga partner suppliers at hindi lang ito limitado sa mga fastfood kung hindi pati na din sa mga supermarket, salon, drugstores at iba pa. Sa pamamagitan ng BALIWAG BENEFITS CARD ay mas mapapabilis ang mga transaksyon dito. Itatap lang ang card, pipirmahan at saka automatic na maggegenerate naman ito ng bill.”

 

Mark Anthony MillanSB Members sa McDonald’s: Sundin ang MoA. Mayor Ferdie Nais na Palawigin ang Programa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *