RO Bumisita sa 4P’s ng Baliwag

2 comments

DSWD RO III bumisita sa Baliwag Para sa 4Ps

Nagtungo sa bayan ng Baliwag ang grupo ng mga Project Development Officer II, sa pangunguna ni Ms. Kristine Manalo (CVS) kasama sina Arolyn Reyes, Pendy Galang, Raymond Aloba ng Grievance Redress Committee, Ruby Franco, Ralph Medina ng Beneficiary Update System, at Alvin Santiago, Jess Garcia at Kristine Manalo ng Compliance Verification System, na nagmula sa opisina ng DSWD Regional Office III, upang kamustahin ang kalagayan at estado ng programang Pantawid Pamilya sa ating bayan noong Mayo 19, 2017.

Nagkaroon ng Barangay Consultation and Workshop ang naturang grupo ng PDO-II officers sa Conference Hall ng Baliwag Municipal Building Annex, na dinaluhan ng 61 Parent Leaders mula 27 barangay sa nasabing bayan. Tinalakay din sa naturang konsultasyon ang mga kaukulang sanksyon sa mga paglabag gaya ng pagkasuspinde sa programa hanggang sa pagkatanggal nila dito. Napag-usapan din ang ang iskedyul ng pay-out ng mga cash card holders na nakatakda sa Mayo 20, 2017 at ng mga over-the-counter beneficiaries para sa buwan ng Hunyo.

Binigyang diin din ang tamang paggamit sa dagdag benepisyo ng bawat pamilya tulad ng rice subsidy ng DSWD, kung saan ang bawat pamilya ay nakatatanggap ng P600 kada buwan na pambili ng bigas. Nagkaroon din ng reoryentasyon ang mga benepisyaryo ng program ng Pantawid bilang pangwakas na aktibidad.

Mark Anthony MillanRO Bumisita sa 4P’s ng Baliwag

2 comments

Join the conversation
  • Olive Rivera - reply

    Ask. Ko Lang Po sana kung meron po ba trabaho para SA mga Hindi nakapag tapos ng pag aaral ? Salamat Po !

    admin_moses - reply

    Meron pong trabahong nakalaan maging sa mga hindi nakapagtapos ng pag aaral. depende rin po ito sa inyong kakayahan ang trabahong inyong makukuha. bumisita lang po sa tanggapan ng PESO para matulungan kayo sa trabahong inyong ninanais. Matatagpuan ang kanilang tanggapan sa Baliwag Star Arena Gym malapit sa slaughter house ng ating pamahalaang bayan.

    Salamat po.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *