Recyled Giant Christmas Tree sa Baliwag, inilawan!

No comments

Bilang pagdiriwang sa nalalapit na Kapaskuhan, muling inihandog ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag ang ang pagkakaroon ng kanilang Giant Christmas Tree. Nitong ika-1 ng Disyembre, muling inilawan ang naturang Giant Christmas Tree sa ganap na ika-6 ng hapon. Ito ay sa pangunguna  ng ating butihing Mayor Ferdie V. Estrella.

Ang naturang Giant Christmas Tree ay may taas na 35 ft. at siyang maituturing na pinakamalaking Christmas Tree sa Bulacan. Ito ay gawa mula sa mga recycled materials na binubuo ng mga eco-lamp (gawa mula sa mga  gamit nang kutsara’t tinidor) at mga pinutol na sanga ng kahoy. Dagdag-atraksyon din dito ang mga bagong disenyo na wooden reindeers at golden stars. Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng Baliwag Patrol Committee na binubuo ng mga sumusunod: Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Mayor’s Office, Logistics, Tourism Office, at mga reformists sa Bahay Pagbabago Reformation Center.

Kaugnay nito, sinisimbolo ng higanteng Christmas Tree ang makulay na pagdiriwang ng Paskong Baliwagenyo kung saan Eco-Friendly na, Child-Friendly pa.

Mark Anthony MillanRecyled Giant Christmas Tree sa Baliwag, inilawan!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *