Plano Ng Barangay (BDRRMP) Siniyasat Ng Office Of The Civil Defense

No comments

Nito lamang Pebrero 01, 2019 ay bumisita ang tanggapan ng Office of the Civil Defense, Regional Office III sa bayan ng Baliwag, upang suriin ang Barangay Disaster Plans ng dalawamput pitong Barangay sa ating Munisipalidad. Ang aktibidad na ito ay binigyan ng pansin ng ating Punong Bayan, Mayor Ferdie Estrella, upang masiguro ang kalidad ng bawat plano, patungkol sa kaligtasan ng bawat Baliwagenyo sakaling magkaroon man ng hindi inaasahang kalamidad saan mang Barangay saating Bayan.

 

Pinadalo sa nasabing BDRRM Plan review sina Ginoong Alvin Lee Asuro (MDRRMO), Engr. Nemencio De Leon (MPDC), Mr. Gerard Mhel Tolentino (SWO-III), at si Ms. Brenda Bernardo (PDO-III). Nasa nasabing Pagsisiyasat rin si Ginoong Jayfie Nasarro (MLGOO) ng DILG upang gabayan ang bawat barangay at ang Munisipalidad sa nasabing pag susuri ng OCD.

Pinangunahan ni Richard Santos (Plans and Programs Chief), Liezel Cayanan at Gerry Verdoz( Plans and Programs Staff) mula sa OCD.

Dinaluhan ng dalawamput anim na Barangay ang nasabing pagsusuri na binuo ng Barangay Secretary, Barangay Treasurer at Barangay Kagawad na responable sa Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council.

 

Ang mga nasabing Barangay na nagdaan sa matagumpay na BDRRM Plan Assessment ay ang mga Sumusunod:

Bagong Nayon, Barangca, Catulinan, Calantipay, Concepcion, Hinukay, Makinabang, Matangtubig, Pagala, Paitan,Piel, Poblacion, Pinagbarilan, Sto. Cristo, Sabang, San Roque, Sto. Niño, Sta. Barbara, Subic, Sulivan, Tarcan, Tangos, Tiaong, Tibag, Tilapayong at VDF.

Layunin ng nasabing Review and mapabuti at mapaigting ang kalidad ng mga BDRRMPlan sa bayan ng Baliwag, kung san magkakatuwang ang Lokal na Pamahalaang Bayan at bawat Barangay na magtitiyak sa Kaligtasan ng bawat Baliwagenyo.

 

Mark Anthony MillanPlano Ng Barangay (BDRRMP) Siniyasat Ng Office Of The Civil Defense

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *