Pensions for Indigent Senior Citizens

No comments

Mga Lolo at Lola Masayang Tinanggap Ang Kanilang Pension

Ni Gerard Mhel Tolentino

 

Matagumpay na naipamigay ang pension ng mga Senior Citizen dito sa bayan ng Baliwag. May 627 na mga lolo at lola ang masayang tumanggap ng halagang tig-P1,500.00 bilang pension para sa unang tatlong buwan ng taong 2017. Pinangunahan ni Mayor Ferdie V. Estrella ang isinagawang payout kasabay ng programang High FVE sa Caravan sa mga Barangay ng Tiaong, Concepcion, Poblacion at nitong huli ay sa unang palapag ng munisipyo.  

 

Ang Social Pension ay programa ng Department of Social Welfare and Development Central Office na naglalayong makapagbigay ng tulong pinansyal sa mga nangangailangang senior citizen. Sa pagtutulungan nila Mayor Ferdie at MSWD Head Ms. Josephine Lopez, ang kabuuang pondo na halagang P924,500 ay naibaba sa Pamahalaang Bayan ng Baliwag upang mas mapabilis at maging maayos ang pamamahagi nito. “Lubos po kaming nagpapasalamat kay Mayor Ferdie at sa DSWD dahil sa malaking tulong po na ito may pambili na kami ng gamut,” sambit ni Encarnacion Esquivel, 83 y.o. ng Brgy. Sta. Barbara. Dahil na rin sa pagpupursige ng ating minamahal na Punong Bayan, inaasahan na madaragdagan pa ang bilang ng mga lolo at lola na magiging benepisyaryo bago matapos ang taong ito.

 

Ipinahayag din ni Mayor Ferdie ang iba pang mga programa para sa mga Senior Citizens gaya ng libreng sine na ngayon ay dalawang beses na kada linggo, birthday blowout na mula P200.00 ngayon ay halagang P300.00 na, libreng salamin sa mata at ang “Hatid Kalinga” na naghahandog ng mga maintenance na gamot diretso sa mga tahanan ng mga Baliwagenyong senior citizen. “Lagi po niyong tatandaan na kapag mayroon po kayong kailangan o problem, huwag po kayong mahihiyang lumapit sa akin at tutulungan ko po kayo sa abot ng aking makakaya,” dagdag pa ni Mayor Ferdie. Tunay ngang kay sarap maging Senior Citizen sa Baliwag dahil sa pinapamalas na Serbisyong May Malasakit ng ating Punongbayan.

Mark Anthony MillanPensions for Indigent Senior Citizens

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *