Pangulo ng Social Housing Finance Corporation bumisita sa Baliwag LGU upang tugunan ang mga Problema Sa Pabahay ng mga Informal Settler Families

No comments

Bagong Nayon, Baliwag, Bulacan

Isa na naman sa mga pangunahing proyektong pangkomunidad sa ilalim ng tanggapan ng Punong Bayan Ferdie V. Estrella ang nabigyang liwanag at pag-asa sa pagbisita ng Pangulo ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) na si Atty. Arnolfo Ricardo B. Cabling nuong December 28, 2017, upang lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng LGU Baliwag at SHFC.  Ito ay upang maging matibay at mabilis ang anumang proyektong pabahay na mabubuo sa ilalim ng programang CommnityMortgage Program (CMP).

 

Malugod na tinanggap at lubos na pinasalamatan ni Mayor Ferdie V.Estrella ang pangulo ng SHFC, pati na ang kan’yang mga kasama, sa isang seremonyang ginanap sa Conference Room ng Annex Bldg. ng Munisipyo.  Ayon kay Mayor Ferdie, “Siya’y natutuwa dahil malapit ng magkaroon ng katuparan ang pangarap n’yang matulungan ang mga maralitang mamamayan ng Baliwag na mabigyan ng maayos at disenteng tirahan, na magiging sarili nila pagdating ng tamang panahon.” 

 

Ito naman ay positibong tinugunan ni Atty. Cabling ng SHFC at aniya’y,  nakahanda silang tumulong at magiging bukas sa pagpopondo ng mga proyektong isusumite sa pamamagitan ng Urban Poor Affairs Office o UPAO of Baliwag.  Ayon pa rin sa kanya, “ anumang problema na makikita at makakaharap, technical man o administrative ay uupuan at pag-uusapan ng magkabilang panig upang mabigyang solusyon sa maayos at legal na pamamaraan.”  Ito ay labis naming ikinatuwa ng mga kinatawan ng homeowner’s association at ng pinuno ng tanggapan ng UPAO na si G. Eddie San Gabriel.

Nagkaroon din ng Site Inspection sa dalawang (2) project sites sa Brgy. Makinabang at Brgy. Catulinan.  Ang Bagong Tahanan Sa Makinabang HOA, Inc. na ire-relocate sa Brgy. Makinabang ay kinabibilangan ng 93 families at ang sa Pagala-Bagong Nayon HOA, Inc. na ire-relocate sa Brgy. Catulinan ay 119 families.

 

Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon ay ang mga Kasangguni ng SB na sina Councilors Gener Ligon, Joel Pascual at Madette Quimpo. Dumalo rin ang mga Department Heads na sina DSWO Josephine Lopez, MPDC Nemencio De Leon, Assessor Teofista Villaranda, Engr. Romy Santos, MA Enrique V. Tagle at COS Lhan M. Cruz.

Mark Anthony MillanPangulo ng Social Housing Finance Corporation bumisita sa Baliwag LGU upang tugunan ang mga Problema Sa Pabahay ng mga Informal Settler Families

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *