Paggunita ng Kapistahan ng Mahal na Poong Nazareno sa Parokya ni San Agustin

No comments

Ngayong ika-9 ng Enero ay ipagdiriwang ng ating Simbahang Katolika ang Paggunita sa Kapistahan ng Mahal na Poong Nazareno sa ating bansa. Ito ay isa sa mga pagdiriwang na dinarayo ng mga Katolikong Pilipino hindi lamang sa Quiapo kundi pati sa iba’t-ibang mga Parokya na ipinagdiriwang ang Pistang ito.

Sa ating parokya ni San Agustin, atin din pong ipagdiriwang ang Kapistahan ng Mahal na Poong Nazareno sa pangunguna ng Kapatirang Nazareno.

Ang mga Misa po natin sa Enero 9, Kapistahan ng Mahal na Poong Nazareno ay 5:30 ng umaga, ika-7 ng umaga at ika-5:30 ng hapon. Ang pagpuprusisyon ng Imahe ng Poong nazareno ay gaganapin matapos ang ika-5:30 ng hapon na misa.

Gayun din naman, itatanghal ang imahe ng Nazareno sa patio ng simbahan buong araw bukas para sa mga nais magpunta at magdasal.

Nawa ay maging makabuluhan ang ating gagawing paggunita sa Kapistahan ng Nazareno sa ating bayang Baliwag.

Nuestro Padre Jesus Nazareno, maawa ka sa amin.

Larawang kuha ni G. Willie Domingo

Mark Anthony MillanPaggunita ng Kapistahan ng Mahal na Poong Nazareno sa Parokya ni San Agustin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *