Opisyal na Kandidato at Kandidata sa Ginoo at Binibining Baliwag 2018, Pormal ng Ipinakilala!

No comments

Pormal ng ipinakilala ang mga kandidata at kandidato  para sa Ginoo at Binibining Baliwag 2018 sa lingguhang pagtataas ng watawat sa Pamahalaang Bayan Baliwag ngayong ika-23 ng Abril 2018.

 

Sa pangunguna ng Baliwag Tourism Office at Pamahalaang Bayan ng Baliwag ay muling umarangkada ang preparasyon para sa taunang kompetisyon para sa Ginoo at Binibining Baliwag kung saan ay ipinapamalas ang ganda, talion at talento ng mga kabataang Baliwagenyo.

 

 

Rumampa ang 33 kalahok para sa Ginoo at Binibining Baliwag na binubuo ng 14 na kandidatang babae at 19 na kandidatong lalaki para sa gaganaping patimpalak sa buwan ng Mayo para sa pagdiriwang ng Buntal Festival sa Bayan ng Baliwag.

Humanga ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa tikas at ganda ng mga kanididato pati sa kanilang determinsasyon na makamit ang korona para sa patimpalak. Kamakailan lamang ay nagsagawa ng isang Outreach Program ang mga kalahok para sa mga malnourished na kabataan sa Starville ng Barangay Hinukay

 

Ang mga Kandidata at Kandidato para sa Ginoo at Binibining Baliwag 2018 kasama ang mga bata mula sa Starville sa Barangay Hinukay

Puspusan na ang pagsasanay ng mga kalahok para sa matinding labanan sa pagpasok ng buwan ng Mayo kung saan sila ay sasalain na para kilatisin at tanghalin ang tunay na karapatdapat na Ginoo at Binibining Baliwag 2018. Kaugnay nito ay dumalo rin sila sa Kabataang Bulakenyo Karavan sa Baliwag noong nakaraang lingo kung saan ay aktibo silang nakipagtalakayan patungkol sa mga isyu at karapatang  pangkabataan.

Sa Mayo 1 ay pormal na ding bubuksan ang online and text votings para sa mga taga suporta ng bawat kalahok. Abangan pa ang latest updates para sa Ginoo at Binibining Baliwag 2018 sa pamamagitan ng pag follow sa official Facebook Page ng Baliwag Tourism Office at ni Mayor Ferdie V. Estrella

Mark Anthony MillanOpisyal na Kandidato at Kandidata sa Ginoo at Binibining Baliwag 2018, Pormal ng Ipinakilala!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *