The Name of the Game: Baldo Torres, Baliwag Sports Development Program Coordinator

No comments

 

 

BCNO : So sir kayo po ang Sports Coordinator ng Baliwag?

Baldo: Yes, ako po ang Designated Sports Coordinator ng Baliwag. Actually, if you will ask mayroon ba talagang ganyan na position or designation. This is probably the first of its kind in Baliwag dahil ngayon lang naman tayo nagkaroon ng Sports Development Office dahil nga sports development ay kasama sa programa ni Mayor Ferdie.

BCNO : Masaya ba kayo sa responsibility na ‘yan despite na hindi kayo Municipal Councilor?

BALDO: Very much happy, hindi naman siguro kailangan maging isang konsehal o lingkod bayan para makagawa ng programa at mga Gawain makabuluhan para sa mga taga- Baliwag at makasuporta sa panunungkulan ng ating mahal punongbayan.

BCNO: Bago ang opisina, bago ang position, bago ang nakaposisyon. Ano ang challenges sa opisina n’yo ngayon?

BALDO: Challenges? Siguro ang makalikha at makahubog pa nang mga Local Talents na makapag-bibigay karangalan , hindi lang sa ating bayan kundi pati narin sa kanilang mga sarili.

BCNO: Ano-anong bayan po ang mayroong Sports Office?

BALDO : Baliwag ang isa sa dalawa o tatlong bayan ang mayroong Sports Development Office sa ating lalawigan, kaya bukod sa bayan ng Baliwag, ang Malolos City at Calumpit ay mayroon ring SDO (Sports Development Office).

BCNO: Ano ang kahalagahan na mayroong Sports Development Office?

BALDO: Para sa akin malaki ang ginagalawan ng SDO sapagkat may isang ahensya na tututok sa kabataan, programa upang mapatatag ang pampalakasang uri sa bayan ng Baliwag at pagtalima na rin sa ating Pangulo Duterte na iiwas ang kabataan sa pag-gamit ng ano mang ipinagbabawal na gamot sa halip upang maging aktibo sa pang-palakasang gawain.

BCNO: Bilang varsity dati nakapaglaro sa NCAA, ano ang pangarap mo para sa mga kabataang BALIWAGENYO?

BALDO: Bilang dating manlalaro pangarap ko sa mga kabataang Baliwagenyo na mahubog pa ang kanilang galing at husay sa larangan ng Sports nang sa gayon maaari nilang magamit at maging kasangkapan ito upang makapagtapos ng pagaaral at maabot ang kanilang mga pangarap.

BCNO: Noong huling palarong pambansa, madami din ang nanalo sa deligasyon ng Baliwag. Ano ang nakita mo na kakulangan na dapat maisaayos?

BALDO: Sa ngayon hindi naman nalalayo ang kalidad at antas ng ating ahensya pagdating sa palakasn kumpara sa ibang karatig bayan. Siguro kailangan lang ng more exposure, program development, private sector engagement at maipush pa talaga ni Mayor Ferdie upang sa ganon ay lalo pang ganahan at magpursigi ang ating mga atleta.

BCNO: Sabi nila, may mga Sports na pangmayaman? Paano natin mabibigyan ng oportunidad ang mga mahihirap na hindi maka-afford ng coach?

BALDO: I believe that Sports can be a tool in building a nation. Sports can unite a nation, unite as one wether rich or poor. So to address that gap, kami sa SDO dapat maghire ng professional coaches and trainor para naman matrain ng mga ito ang local coaches. Sila kasi science na. Yung technical aspect medyo kaya pa but when you combine it with science, the athletes are able to push beyond the limits. We need that kind of people so that they can share their knowledge and expertise.

 

BCNO : Dati rati ay hindi masyadong napupuntahan ang Baliwag Star Arena. Ngayon ang daming televised events basketball man o volleyball, bakit nyo ginagawa ito?

BALDO : We at SDO are practicing and promoting Sports tourism. Madami ang nanonood sa atin ng PBA, ALAB and other sports event. That alone generate business activity. Pupunta sa Baliwag, dadaan sa shopping mall or sa market or bibili sa labas. You see that kind of livelihood becomes available. Masaya ko noong muling naibalik yung ganda ng tabla. Maintained na ngayon unlike dati na pinabayaan talaga. Walang stewardship. Walang pakialam.

BCNO : Ano pa ang mga balak at itutulak n’yo para sa mga kabataan ng Sports Development Office?

BALDO : Marami pang programa ang isusulong ng SDO sa ating mga kabataan hindi lamang sa basketball, volleyball, taekwondo at iba pa, upang sa ganon ay maging kapaki-pakinabang ang husay nang mga kabataan sa ating lipunan at pamayanan. Isa dito ay ang kauna-unahang Inter School Basketball Development League sa ating bayan, ito ay programa para sa mga bata edad 12 pababa at 16 pababa kung saan ay mag kakaharap ang mga publiko at pribadong paaralan sa ating bayan. At upang sa ganun ay lalong mapagtibay ang relation ng pamahalaang bayan at mga paaralan sa ating bayan.

Si Baldo Torres ay kasal kay Janela Wong. Sila ay may tatlong anak. Si Baldo ay isang dating varsity player at kabilang sa NCAA Basketball Team ng University of Perpetual Help.

Mark Anthony MillanThe Name of the Game: Baldo Torres, Baliwag Sports Development Program Coordinator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *