Mga mag-aaral mula sa Canada, naghandog ng saya sa mga Baliwagenyo!

No comments

ni Gerard Mhel Tolentino

Masayang nakisalamuha ang mga mag-aaral mula sa Toronto Catholic District School (TCDS) sa tatlumpung (30) pamilya na benepisyaryo ng shelter project handog ng Answering the Cry of the Poor (ANCOP) at Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa pangunguna ni Igg. Mayor Ferdie V. Estrella.

Nagpamahagi ang ating mga nabanggit na bisita ng nga laruan, sapatos at damit na talaga namang ikinasaya ng bawat pamilya. Sila rin ay limang (5) araw naging katuwang sa pagtatayo ng libreng pabahay na tatawaging Starville 4 at matatagpuan sa Brgy. Piel, Baliwag, Bulacan.

Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng TCDS dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila at sa karanasan ng kanilang mga mag-aaral na makapaglingkod at makatulong sa mga nangangailangan.

Mark Anthony MillanMga mag-aaral mula sa Canada, naghandog ng saya sa mga Baliwagenyo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *