Mayor Ferdie, SB, 27 Kapitan, SK at Sectoral Groups, Pormal na isinalin ang Cityhood Documents kay Cong. Apol Pancho

No comments

Baliwag, Bulacan – Masayang tinanggap ni Congressman Apol Pancho si Mayor Ferdie Estrella, Sangguniang Bayan ng Baliwag at iba’t-ibang samahan buhat sa iba’t-ibang sektor.

“Yes to Baliwag City!” Iyan naman ang sigaw ng grupo matapos na ipasa ito kay Congressman Apol Pancho.

kanyang talumpati, sinabi ni Mayor Ferdie Estrella na “tayo ngayon ay nasa isang makasaysayang panahon. Pormal ko pong iniendorso sa ating kababayan at Kinatawan ng Distrito Dos ang sertipikasyon mula sa Department of Finance at Philippine Statistics Authority na tayo ay kwalipikado na maging isang ganap na lungsod ayon sa itinakda ng batas. Bukod diyan, ang Baliwag ay ang isa sa dalawang nakatalagang Regional Center ayon sa Philippine Development Plan Ambisyon 2020.”

Sa mensaheng pagtanggap ay sinabi ni Cong. Apol Pancho “akin pong pag-aaralan ang mga dokumento at nais ko pong upuan pa ito kasama ang Cityhood Technical Working Group nang sa gayon ay higit nating mapaghandaan ang deliberasyon sa Kongreso.”

Pedro City

Ayon sa tala, ang lungsod ng San Pedro sa Laguna ang pinakabatang lungsod. Ito ay inihain sa kongreso at masasabing pinakamabilis din na naratipikihan sa loob lamang ng anim na buwan. Ipinasa sa kongreso buwan ng Hulyo 2013 at naisagawa ang plebesito noong Disyembre 28, 2013.

Mark Anthony MillanMayor Ferdie, SB, 27 Kapitan, SK at Sectoral Groups, Pormal na isinalin ang Cityhood Documents kay Cong. Apol Pancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *