Mayor Ferdie at Kon. Joel, Naghain ng Kandidatura sa ilalim ng PDP Laban

No comments

Baliwag, Bulacan – Muling naghain ng kanyang kandidatura si Mayor Ferdie Estrella para sa kanyang ikalawang termino kasama ang kanyang magiging katuwang, Kon. Joel Pascual na naghain naman ng kandidatura sa pagka bise-alkalde sa ilalim ng Partido Demokratikong Pilipino (PDP Laban) na kung saan si Pangulong Duterte ang Party Chairman.

 

Kasama ni Mayor Ferdie at Kon. Joel Pascual ang re-eleksiyonistang si Kon. Dingdong Nicolas at pito pang konsehal na pawang mga beteranong lingkod sa bayan. Sina 2nd District Board Member Atty. Buko dela Cruz at dating Vice Mayor Tony Patawaran na nakatapos na ng kanilang termino ay muling magbabalik sa Sangguniang Bayan.

Sina Kon. Edwin Bautista naman na kagawad ng Brgy. Tangos; Baliwag Vendors Association at OLM Vice Chairman Rodrigo “Ogie” Baltazar at Community Affairs Lowell Tagle at Bienvenido “BSG” Gonzales ay muling susubok na maghain ng kanilang paglilingkod.

Samantala, nagiisang babae naman ng grupo ang social activist at organizer, Tita Cora Agustin.

Mark Anthony MillanMayor Ferdie at Kon. Joel, Naghain ng Kandidatura sa ilalim ng PDP Laban

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *