Linggo ng Kabataan 2017 “Kabataan para sa Kapayapaan”

No comments

Bilang pakikiisa sa International Youth Day na gaganapin sa August 12 at pagtalima sa isinasaad ng SK Reform Law, ipagdiriwang ng Bayan ng Baliwag ang Linggo ng Kabataan na may temang, Youth Building Peace.

Kaugnay nito ay nauna ng nagpahayag ng pag-iimbita sa mga nagnanais na lumahok na paaralan o indibidwal na kabataan ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag para sa iba’t ibang contest para sa gaganaping Linggo ng Kabataan katulad ng Spoken Words Competition na pinamagatang Hugot para sa Kapayapaan at Kabataan para sa Kapayapaan video advocacy contest.

Sa lunes, August 7 ay pormal na sisimulan ang Linggo ng Kabataan sa pamamagitan ng pagpapakilala sa bagong batch ng Boy/Girl Officials. Ang mga piling mag-aaral buhat sa lahat ng pribado at publikong paaralan sa antas na Junior at Senior High School ay itatalaga bilang junior counterparts ng mga halal na opisyal ng bayan at mga pinuno ng mga tanggapan ng Pamahalaang Bayan. Sila ay inaasahan na isang linggong mag-oobserba at gaganap sa pang-araw-araw na gawain ng tungkulin itinalaga sa kanila at magkaroon ng aktwal na karanasan sa serbisyo-publiko.

Alinsunod dito ay nakatakda din na dumalo ang mga naitalagang Boy/Girl Officials kasama ang dalawa o tatlo pang myembro ng kanilang Supreme Student Government sa eskwelahan sa Learning-into-Leading Youth Seminar na gaganapin sa Conference Room, Municipal Annex Building sa ika-9 ng Agosto. Ang seminar ay naglalayong makapag-bigay kaalaman sa mga kabataan ng wasto at mahusay na leadership skills na maari nilang maisabuhay sa kanilang pamumuno sa paaralan at sa tunay na buhay. 

Ang lundo ng pagdiriwang ay magaganap sa Agosto 11 sa pamamagitan ng Baliwag Youth Summit kung saan ang mga Boy/Girl Officials at ang halos ilang libong kabataan sa bayan ay magsasama-sama upang makisaya at makilahok sa iba’t ibang aktibidad at kompetisyon na inihanda ng Youth Affairs Office. 

Bukod sa iba’t ibang games and raffle ay kabilang din sa mga aktibidad ay ang pag-peperform ng top 5 na mapipili mula sa mga kalahok ng Hugot para sa Kapayapaan, movie screening ng mga nagwagi sa film making competition at iba’t ibang performance mula sa mga guest speakers and artists na handog ng Pamahalaang Bayan at Globe.

Ang Linggo ng Kabataan ay bahagi ng mahahalagang programa ni Mayor Ferdie Estrella sa pagnanais na lalo pang mapalakas ang sektor ng kabataan at magabayan ang mga ito sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Mark Anthony MillanLinggo ng Kabataan 2017 “Kabataan para sa Kapayapaan”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *