Brgy. Captain Ricky Romulo ng Tiaong, Bagong ABC President ng Baliwag

No comments

Baliwag, Bulacan – Itinakda ng Department of Interior and Local Government ang halalan ng mga Liga ng mga Barangay ngayon araw para sa buong bansa. Para sa Baliwag, ang halalan ay isinagawa sa patnubay ni COMELEC Election Officer Gina Llave, DILG MLGOO Jayfie Nasaro, Baliwag Police Chief P/Supt. Marlon Santos at kinatawan mula sa Sangguniang Bayan ng Baliwag.

Nakakuha ng 25 boto si Kap. Ricky Romulo at tumakbo siya na walang kalaban. Si Brgy Captain Tagumpay Cruz ng Virgen delas Flores ay tumakbo naman bilang Bise Presidente at nakakuha din ng 25 boto. Si Barangay BIDA Multi-Sectoral Awardee Brgy. Capt. Ariel Cabingao naman ang inihalal na Auditor.

 

 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Board of Directors

Walo naman ang nahalal na Board of Directors ng liga na siyang magbubuo ng mga polisiya ng asosasyon. Ang mga sumususnod na Brgy Captains ang siyang uupo na BoD ng liga:

1. Poblacion – Brgy. Capt Hepe Alvaran

2. Tilapayong – Brgy. Capt. Tirso Tolentino

3. Hinukay – Brgy. Capt. Reynaldo dela Cruz

4. Tibag – Brgy. Capt. Renan Alcantara

5. Sto. Cristo – Brgy. Capt. Michael Lopez

6. San Roque – Brgy. Capt. Joey Antonio

7. Makinabang – Brgy. Capt. Rosalina Clemente

8. Matangtubig – Brgy. Capt. Isabelito Cabigao

Si Pinagbarilan Brgy. Captain Danilo Bugay ang siyang nagsilbing Chairman ng Election Committee

 

Mark Anthony MillanBrgy. Captain Ricky Romulo ng Tiaong, Bagong ABC President ng Baliwag

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *