BINYAGAN AT KASALANG BAYAN 2018

No comments

Bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng kanyang kaarawan o #HappyKaarawanGoalsYear3, naghandog si Mayor Ferdie V. Estrella, sa pangunguna ng Local Civil Registry Office ng Binyagang Bayan at Kasalang Bayan. September 4, 2018 nang idaos ang Binyagang Bayan sa St. Augustine Parish Church ganap na ika-10 ng umaga na nilahukan ng 140 batang baliwagenyo edad anim pababa at ang  Kasalang Bayan naman ay ginanap noong September 5, 2018 sa Baliwag Star Arena na nilahukan ng 65 pares na nagnanais maging legal ang kanilang pagsasama. Ito ay dinaluhan rin nga mga espesyal na panauhin na sina Mayora Jonnah Estrella, magkapatid na sina Bokal Enrique “Buko” Dela Cruz Jr. At Konsehala Erlene “Pechay” Dela Cruz na nagkaloob ng libreng photobooth,  Bokal Ma. Lourdes “Baby” Posadas, at Cong. Gavini “Apol” Pancho na nagkaloob rin ng munting alala para sa mga lumahok.

Ang parehong okasyon ay laan para sa mga baliwagenyong nagnanais na mabinyagan o makasal ngunit walang sapat na kakayahan para magdaos ng mga nasabing okasyon. Matapos ang mga seremonya ay may salu-salo na inilaan sa mga magulang, ninong at ninang para sa mga nabinyagan, at sa mga bagong kasal kasama ang kanilang ninong at ninang. Matapos ang mga salu-salo, nagbigay si Mayor Ferdie ng mga munting regalo para sa mga bininyagan at ikinasal.

 

 

Mark Anthony MillanBINYAGAN AT KASALANG BAYAN 2018

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *