Baliwag, Umakyat ng Pwesto sa Competitiveness Index. 9th Over-All, 2nd Infrastracture, 10th, Governance Efficiency

No comments

PICC Complex, Pasay City – Muling kinilala ang Bayan ng Baliwag ng National Competitiveness Council at Competitiveness Bureau ng Department of Trade and Industry bilang pang siyam sa pinaka kompetitibong bayan ngayon sa bansa. Pumangalawa din ito sa Infrastracture at Pansampu naman ito sa Governance Efficiency.

Matatandaan na ang Baliwag ay nasa pang 960 pwesto noong datnan ito ni Mayor Ferdie V. Estrella. Matapos na tutukan ang pamamahala; pagsasaayos ng mga sistema sa business permit; pagawain bayan; paghikayat sa imbestors at maayos na sistema ng paglikom ng mga datos ay nagawang maging Most Improved LGU noong 2017. Bumaba ang pwesto ng Baliwag isang taon mula ng manungkulan si Mayor Ferdie, pumwesto ito na pang 47 pangkalahatan noong 2017. Nagpang 10 din ito sa Resiliency at pang 12 sa Infrastracture sa nasabing taon.

Baliwag, Nanguna sa Bulacan

Samantala, nanguna naman ang Baliwag sa mga Bayan sa Bulacan matapos na ito ay pumangalawa sa Bayan ng Sta. Maria noong isang taon. Nasungkit ng Baliwag sa Marilao ang ikalawang pwesto noon 2017.

Mark Anthony MillanBaliwag, Umakyat ng Pwesto sa Competitiveness Index. 9th Over-All, 2nd Infrastracture, 10th, Governance Efficiency

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *