Baliwag HighFVE App, Shortlisted in Award of Excellence in ICT for LGU of DILG-NiCP

No comments
Hindi nga maawat ang pagkilalang tinatamo ngayon ng Bayan ng Baliwag sa iba’t-ibang larangan at ngayon nga ay ang paghirang sa Baliwag HighFVE Mobile App bilang FINALIST sa Award of ICT Excellence for GOod Governance – Local Government Units. Pumasok ito sa dalawang kategorya – G2C at G2C.
                      Ang Baliwag Mobile App ay naglalaman ng mga impormasyon ukol sa Baliwag at mga establisyimento nito. Gayun din ay nakalink ito sa mga units na may kinalaman sa emergency response tulad ng Baliwag PNP, Baliwag PACC, Baliwag RescueFvE. Ang alert button ay maghahatid naman ng signal ng emergency response at ang Trabaho Link ay maghahatid sa mga kumpanyang naghahanap ng empleyado.Ang Baliwag High FVE Mobile APP ay may kapasidad din na magrenew ng mga permits na hindi nangangailangan pang pumunta sa Pamahalaang Bayan. 

                     Ang payment conduit nga nito ay ang Paymaya.Ang proyektong ito ay isinakatuparan sa layon ni Punongbayan Ferdie V. Estrella na maging Digital City at Innovation Hub ang Baliwag.Tunay ngang #handa, #matatag, #maganda at #maningning ang kinabukasan sa Baliwag dahil hindi tumitigil ang mga departamento na maghandog ng serbisyong may malasakit sa pamamagitan ng paghahatid ng serbisyong maaasahan at mahusay. Ang proyekto ay nasa ilalim ng Municipal Information Technology Office sa pamumuno ni Brainard Ardońa.

Mark Anthony MillanBaliwag HighFVE App, Shortlisted in Award of Excellence in ICT for LGU of DILG-NiCP

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *