Baliwag, handa na sa Undas 2018

No comments
Plantsado na ang mga paghahanda ng iba’t ibang tanggapan na lalahok sa Oplan Kaluluwa 2018 sa bayan ng Baliwag upang masiguro ang kaligtasan, kaayusan at katahimikan sa paggunita sa Araw ng mga Kaluluwa at Yumao na.

Nagtipon-tipon muli ang Oplan Kaluluwa Technical Working Group (TWG) Miyerkules ng hapon na dinaluhan ng iba’t ibang sangay ng mga awtoridad upang muling talakayin ang mga itatalagang Incident Command System, Assistance Help Desk, at mga nakatakdang alternatibong ruta sa mga pangunahing kalsada ng Baliwag patungo sa kalsadang nakapaligid sa mga sementeryo upang maging maayos ang daloy ng trapiko sa nasabing araw.

Hangad ni Mayor Ferdie V. Estrella na magkaroon ng isang matiwasay at maayos na Undas ang bawat Pamilyang Baliwagenyo nang makapagbigay galang at pugay sila sa kanilang mga yumaong kapamilya at sila ay makapagsama-sama upang alalahanin ang kanilang mga namayapang kamag-anak.

Kaya muli rin tiniyak ng PNP Baliwag na magiging maigting ang kanilang seguridad at mahigpit ang inspeksyon sa mga sementeryo upang matiyak ang pangkalahatang kaligtasan. Kanila rin pinaalala na pinagbabawal na magdala ng kahit anong mga ‘deadly weapon’ o kahit anong mga nakatutusok na bagay; alak sapagkat bawal mag-inuman sa sementeryo; at radyo o anumang uri ng sound system na maaaring makabubulahaw sa iba.

Inaaasahan na daan-daang Baliwagenyo ang dadalaw ngayong taon sa kanilang mga yumaong kapamilya kaya naman sinisigurado ng lokal na pamahalaan at ng mga awtoridad na handa na ang Baliwag para sa Undas 2018.

Para naman sa mga insidente na mangangailangan ng agaran na tugon ay maaaring tumawag sa Baliwag Emergency Hotline – 09175057827 at 09399997827.

Mark Anthony MillanBaliwag, handa na sa Undas 2018

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *