Baliwag Buntal Festival 2018 sa temang: Baliwag, Nagliliwanag!

No comments

Baliwag Buntal Festival 2018 sa temang: Baliwag, Nagliliwanag!

Naririto ang mga programang inihanda ng Baliwag Tourism Council sa pamamanihala ni Mayora Jonnah Nubla-Estrella kasama ang iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag at mga pribadong grupo.

Tampok pa rin sa pagdiriwang ng Buntal Festival ay ang Gabi ng Gawad Damgal ng Baliwag. Ito ay ang parangal sa mga natatanging Baliwagenyo sa iba’t-ibang larangan. 

Samantala, inaabangan din ang unang taon ng paglulunsad nito ang Barangay B.I.D.A. o Best Initiative for Development Awards o pagkilala sa mga natatanging proyekto ng Barangay pati na rin ang mga natatanging barangay officials at barangay volunteers.

Pasasalamatan din ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag ang mga naging katuwang nito sa isang taon ng pagsisikap na maitulay ang mga programa kasama ang mga katuwang sa pribadong sektor at civil society organizations. Iyan ay gagawin sa Institutional Partner’s Night.

 

Pihadong inaabangan naman ng marami kung sino nga ang tatatanghaling Ginoo at Binibining Baliwag ngayon taon sa nakatakdang Coronation Night sa Mayo 23 sa Baliwag Star Arena.

Sa pangunguna naman ng National Historical Commission of the Philippines ay bibigyang parangal si Mariano Ponce sa sentenaryo ng kanyang pagkamatay, Marso 23. Hindi makakadalo si Senador Sonny Angara na siyang dapat magiging pangunahing bisita sa araw na iyon.

Bago pa man magsimula ang mga tampok na pagdiriwang ng Buntal festival ay nauna ng ipinamalas ang Baliwagenyo creativity and entrepreneuship sa pamamagitan ng All Baliwagenyo Everything Evens! 

Naririto ang iba pang mga programang inilatag para sa kabuuan ng Buntal Festival. 

Mark Anthony MillanBaliwag Buntal Festival 2018 sa temang: Baliwag, Nagliliwanag!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *