Baliwag BPLO: “Negosyanteng Pasaway, Hindi Irerenew!”

No comments

Baliwag, Bulacan – Kamakailan nga ay nagbigay na naman ng babala ang Business Permits and Licensing Office na hindi nito papayagang makapag renew ang mga negosyante o establisyimento na hindi tumatalima sa mga direktiba ng iba’t- ibang mga tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Baliwag. “Alinsunod ito sa kautusan ng punongbayan na huwag irenew ang mga establisyimento na sa kabila ng mga abiso at sulat ay tahasan ang pagsasawalang bahala at unabis na walang ginawang aksyon,” pagtatapos ni G. Henry Cruz.

Tinutukoy ng Business Permits and Licensing Head Henry Cruz na ang mga clubs na may (provisional) permit na hindi nakatupad sa usapan ay agaran ng isasara o hindi na bibigyan ng kaukulang permit base sa rekomendasyon ng Municipal Health Office.

Gayon din, ang mga establisyimentong may parking space ngunit ginagamit na display area lamang.

MENRO NAGBABALA SA MGA JUNKSSHOPS

Nagbabala naman ang Municipal Environment and Natura Resources Office sa mga junkshops sa Brgy. Bagong Nayon at Santo Cristo na sila ay ipapasara o irerekomenda ang pagsasara kung patuloy

 

 

 

nila na iisnabin ang batas na nagbabawal sa pagsusunog. Ang mga junkshops ay patuloy na nagkakalat at nagsusunog ng inalis na foam mula sa mga refrigerator. Kamakailan nga ay rumisponde ang Baliwag Bureau of Fire Protection matapos na lumaki ang apoy sa sinunog na mga basura mula sa mga junkshops sa may Lopez Jaena Street.

Mark Anthony MillanBaliwag BPLO: “Negosyanteng Pasaway, Hindi Irerenew!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *