Baliuag University College of Nursing 100% Passing Rate sa Ikatlong Taon

No comments

San Jose, Baliwag – Muling pinatunayan ng Baliuag University College of Nursing na hindi ito patitinag at sa kanyang pwesto bilang isa sa pinakamahusay na dalubhasaan para sa kursong Nursing. Nagkamit nga ng 100% Passing Rate ang unibersidad batay sa inilabas na resulta ng Professional Regulations Commission Board of Nursing.

Ayon kay BU CON Dean Elizabeth Roxas,”sa aming ika-44 na taon, ang Baliuag University ay walang tigil sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa Nursing at nakapagambag ng libo-libong nurse na ngayon ay pawang mga propesyunal na at mga nasa katungkulan.”

 

 

 

 

 

Naging panauhin naman si Municipal Administrator Enrique Tagle, kinatawan ni Punongbayan Ferdie V. Estrella, sa ginanap na Oath-Taking at Testimonial Luncheon sa Pamantasan. Sa kanyang mensahe sinabi ni MA Tagle: “ang inyong propesyon ay may kaakibat na responsibilidad. Ito ay isang bokasyon at katulad ng mga katangian na aming pinapahalagahan sa pamahalaang bayan ng Baliwag, kayo ay inaasahang maging magiliw, maagap, mahusay, maaasahan at makipagtuwang nang sa gayon kayo ay masabing mga matagumpay na propesyunal.”

 

Baliuag University CoN Dean Elizabeth Roxas, Municipal Administrator Enrique Tagle, Baliuag University President Dr. Patricia Bustos-Lagunda, VP for Admin and Finance Monina Bustos-Santos and in cheerful mood after exchanging pleasantries.

 

 

Mark Anthony MillanBaliuag University College of Nursing 100% Passing Rate sa Ikatlong Taon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *