Museo Ni Mariano Ponce, Pinasinayaan

Kuha ni Eugene Demata

Binigyang diin at tampok dito, ang mga naiambag ni Mariano Ponce sa pagkakamit ng kalayaan ng bansa.

Ayon sa saliksik, si Mariano Ponce ay tumulak sa Espanya pagkatapos ng kanyang pag-aaral ng Medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas. Doon ay nakilala niya sina Rizal, Del Pilar at marami pang mga Pilipino na noon ay nagsisimulang labanan ang mga Kastila. Siya ay nahalal bilang kalihim ng Samahang Filipino-Hispanico at naging matalik na kaibigan ni Rizal. Sinasabing naging matalik na kaibigan si Rizal nina Marcelo del Pilar at Jose Rizal at siya na nga ang nabuhay ng pinakamatagal hanggang siya ay bawian ng buhay sa edad na 54.

Kuha ni Eugene Demata

Tampok sa museong ito ang mga papel na ginampanan at naiambag ni Mariano Ponce bilang isang manunulat, repormista, poklorista, propagandista, asemblyman at isang mabuti at tapat na kaibigan.

Ayon pa sa paglalahad masasabing isa siyang tapat na kaibigan dahil naging abala si Ponce sa pagaasikaso sa libing ni Teodora Alonzo, ina ni Rizal, noong 1912 habang siya ay isang Asemblyman. Siya din ang nagalaga kay Marcelo Del Pilar sa kanyang mg huling araw at siya din ang nagbigay ng magandang sombrero na may burdang bandila ng Pilipinas kay Blumentritt. Si Ponce din ang nagtatag sa batas ng pagkakatatag ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas. Siya ang tagapangulo ng Komite sa Aklatan.

Panauhin sa pasinaya ang Pambansang Alagad ng Sining at Dating Dekano sa Kolehiyo ng Sining at Literatura sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Virgilio Almario Jr. at NHCP Chair Dr. Rene Escalante.

Bantayog ni Mariano Ponce (Kuha ni Eugene Demata)

 

Photo by Johnnie Gonzales


Photo by Eugene Demata

john baliwagMuseo Ni Mariano Ponce, Pinasinayaan