Sa isang makulay at masayang seremonya na ginanap sa Waltermart Baliwag, pinarangalan ang mga nagwagi sa Katha Baliwag Short Story For Children Writing Competition. Umabot sa 65 na kalahok mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan sa Baliwag ang sumali sa prestihiyosong patimpalak na ito.

Ang kompetisyon ay pinangunahan ng Baliwag City Library, Baliwag Tourism Office, at Museo ng Baliwag sa pakikipagtulungan ng JCI Baliwag Buntal. Layunin ng programang ito na hikayatin ang mga kabataan na linangin ang kanilang kakayahan sa pagsusulat at ipamalas ang kanilang mga malikhaing kwento para sa mga bata.

Ang awarding ceremony ay dinaluhan ng mga guro, mag-aaral, at mga lokal na opisyal. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni JCI Baliwag Buntal President Alvin Asuro ang kahalagahan ng pagsuporta sa mga kabataan na may talento sa pagsusulat at ang pagpapatuloy ng mga ganitong uri ng aktibidad na nagpapalakas sa kultura at sining ng Baliwag.

Sa pagtatapos ng programa, ipinahayag ng mga organisador ang kanilang pag-asa na mas marami pang kabataan ang sasali sa mga susunod pang edisyon ng kompetisyon, at patuloy na magbibigay-inspirasyon sa bawat batang Baliwagenyo na mangarap at magsulat, bilang bahagi ng kanilang Serbisyong May Malasakit.

#BaliwagCity

#BaliwagBuntalFestival2024