Sa kauna-unahang pagkakataon, ginanap ang Baliwag City Dog Pawshion Show bilang bahagi ng taunang Buntal Festival. Ang makulay na kaganapan ay inorganisa ng Baliwag City Veterinary Services, JCI Baliwag Buntal, at Baliwag City Government, na ginanap sa SM City Baliwag nitong May 18.

Nagtipon-tipon ang higit sa 20 kalahok, na nagpakita ng kani-kanilang mga alagang aso na nakabihis sa iba’t ibang tema at costume. Ang nasabing show ay layuning ipakita ang talento at kagandahan ng mga alagang aso, pati na rin ang pag-promote ng responsible pet ownership sa komunidad.

Ayon kay Dr. Reina Villadarez, head ng Baliwag City Veterinary Services, ang Dog Pawshion Show ay isang magandang pagkakataon para sa mga pet owners na ipakita ang pagmamahal at pag-aaruga nila sa kanilang mga alaga. “Ito rin ay bahagi ng ating adbokasiya na bigyan ng importansya ang kalusugan at kapakanan ng mga hayop,” ani Dr. Villadarez.

Ang mga nanalo sa Dog Pawshion Show ay tumanggap ng iba’t ibang papremyo mula sa mga sponsors ng event. Naging masaya at makulay ang buong selebrasyon na tiyak na aabangan muli sa susunod na taon.

Ang event na ito ay bahagi rin ng brand ng pamumuno ni Mayor Ferdie Estrella na Serbisyong may Malasakit, na layuning magkaroon ng inklusibong komunidad kung saan ang kapakanan ng bawat miyembro, kabilang ang mga alagang hayop, ay binibigyang-halaga.

#BaliwagCity

#BaliwagBuntalFestival2024