MAYOR FERDIE: “BALIWAG MASIPAG LIVELIHOOD CENTER, SIMBOLO NG TUNAY NA PAGSISIKAP!”

By Published On: February 7th, 2024Categories: Employment, News, Social
Total Views: 216Daily Views: 2

Malapit na matapos ang itinatayong dalawang palapag na Baliwag Masipag Livelihood Center na matatagpuan sa Baliwag City Government Complex, Pagala, Baliwag City, Bulacan. Ayon sa report ng City Engineering Office, nasa 95% na ang accomplishment ng nasabing proyekto.

Matatandaang itinayo ang proyektong ito noong nakaraang taon sa pamamagitan ng premyong natanggap ng Pamahalaang Lungsod sa pagkakakamit nito ng ika-4 na Seal of Good Local Governance (SGLG) noong taong 2022.

Ang Baliwag Livelihood Center ay magiging bukas sa lahat ng Baliwagenyo na nagnanais lumahok sa libreng skills and livelihood trainings na tutulong sakanila upang malinang pa ang kanilang kaalaman at matuto ng practical skills na kinakailangan hindi lang sa pagpili ng trabaho maging sa pagtatayo ng negosyo.

Sa ulat ng City Public Employment Service Office (PESO), umabot sa 304 Baliwagenyos ang natulungan ng mga isinagawang Skills and Livelihood Trainings sa ating Lungsod noong taong 2023.

Kabilang sa mga trainings na naisagawa ay ang mga sumusunod:

  1. Candle Making
  2. Dishwashing Liquid Making And Fabric Conditioner Making
  3. Beauty Care: Nail Care Services
  4. Hairdressing NC II
  5. Shielded Metal Arc Welding
  6. Visual Graphics and Design NC III
  7. Bread and Pastry NC II
  8. Dressmaking NC II
  9. Visual Graphics and Design NC III
  10. Shielded Metal Arc Welding

Umaasa si Mayor Ferdie na sa pagbubukas ng ating Livelihood Center ay mas marami pa itong matulungan na Baliwagenyo gayundin na madagdagan pa ang ating mga training partners na siyang magbibigay ng maraming oportunidad sa ating lungsod.