Umabot sa bilang na 2,400 mag-aaral ang nagsipagtapos sa Ika-8 Taunang Pagtatapos ng Mas Mataas na Paaralan ng Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag noong June 18 sa Baliwag Star Arena.

Dumalo sa okasyon ang mga opisyal ng paaralan, guro, magulang, at mga panauhing pandangal upang saksihan ang mahalagang yugto sa buhay ng mga nagtapos.

Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Mayor Ferdinand V. Estrella na naging mas espesyal at makabuluhan ito para sa kanya sapagkat ito na ang kanyang huling pagdalo bilang Punong Lungsod ng Baliwag. Dagdag pa niya, isang malaking karangalan na masaksihan ang bunga ng kanilang dedikasyon, tiyaga, at pangarap. Pinayuhan din niya ang mga nagsipagtapos na dalhin  nila saanmang larangan ang tatak ng husay at galing ng isang Baliwagenyo

Ang pagtatapos na ito ay hindi lamang selebrasyon ng tagumpay, kundi paalala ng pangako ng kabataang Pilipino na maglilingkod sa bayan nang may karunungan at dangal.

#BaliwagCity
#DalubhasaanKongMahal
#SerbisyongMayMalasakit
#AlagangEstrella