Matagumpay na nagtapos sa kanilang pag-aaral ang 1,668 Baliwagenyo daycare students sa ilalim ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Program noong June 5-6, 2024. Ang seremonya ay dinaluhan ng mga batang mag-aaral mula sa 34 ECCD Centers sa 27 barangay ng lungsod.

Dumalo sa mga seremonya si Mayor Ferdie Estrella, kasama ang mga opisyal ng barangay at mga konsehal ng lungsod. Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Mayor Estrella ang mga guro at magulang sa kanilang walang sawang suporta sa edukasyon ng mga kabataan. Ibinahagi rin niya ang kanyang pagbati at pag-asa na magpatuloy ang mga bata sa kanilang pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap.

“Ang pagtatapos na ito ay simula pa lamang ng mas marami pang tagumpay na naghihintay sa inyo,” ani Mayor Estrella. “Hinihikayat ko kayong patuloy na magsikap at pagbutihin ang inyong pag-aaral dahil kayo ang kinabukasan ng ating bansa.”

Ang matagumpay na pagdaraos ng ECCD Moving-Up Ceremony ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng edukasyon mula sa murang edad at ang patuloy na suporta ng pamahalaang lokal sa mga programa para sa edukasyon.

#BaliwagCity

#BaliwagECCD