LIBRENG ISSUANCE OF BIRTH, MARRIAGE, AT DEATH CERTIFICATION, HANDOG NG PAMAHALAANG LUNGSOD NGAYONG 2024 CIVIL REGISTRATION MONTH

By Published On: February 8th, 2024Categories: News
Total Views: 630Daily Views: 2

Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 682, ang buwan ng Pebrero ay idineklara bilang Civil Registration Month na pinagtibay ng dating Pangulo Corazon C. Aquino noong ika-28 ng Enero 1991.

Kaya naman, ang Lungsod ng Baliwag ay nakikiisa sa pagdiriwang ng ika-34th Civil Registration Month na may temang “CRVS: The Future of Seamless Service”

Sa idinaos na lingguhang pagtataas ng watawat ng Pamahalaang Lungsod noong ika-5 ng Pebrero, hinikayat ni City Civil Registrar Claire Guanzon ang mga kapwa Baliwagenyo na makiisa sa nasabing programa at ipalaganap ang kahalagahan ng pagpaparehistrong sibil sa mga kapanganakan, kasal, kamatayan, gayundin ang pagsasaayos sa mga angkop na dokumento.

Binigyan-diin din niya na malaking tulong ito sa pagkakaroon ng maayos na pagkakakilanlan ng tao upang magkaroon ng maayos na dokumento na siyang magagamit ng sino man sa hinaharap.

Kaugnay ng selebrasyong ito, magbibigay ang lokal na pamahalaan ng Free Issuance of Certification of Birth, Marriage, and Death sa darating na ika-27 ng Pebrero bilang pagdiriwang ng selebrasyong ito.

Para sa mga nais mag-avail ng libreng serbisyong ito, maaaring magtext o tumawag sa numerong 798-0391 loc (527) o magtungo sa ating City Civil Registrar Office, GF, Annex Bldg. City Government Compound, Bagong Nayon, Baliwag City, Bulacan.

#BaliwagCity

#BaliwagLCR