Dumarami ang bilang ng mga naitalang kaso ng aksidente sa motorsiklo sa lungsod ng Baliwag, na umabot na sa higit 20 insidente ngayong buwan ng Agosto, kung saan 6 sa mga ito ang pumanaw, ayon sa Baliwag City Philippine National Police (PNP).

Ayon pa sa PNP, karamihan sa mga biktima ay may edad 16-30, at ang mga aksidente ay kadalasang nagaganap dahil sa pagsasagawa ng ilegal na karera o pagmamaneho nang nakainom ng alak.

Kamakailan, isang bagong kaso ng reckless driving ang naitala noong Agosto 25 sa Barangay Makinabang, kung saan isang 19-anyos na lalaking motorcycle rider ang aksidenteng bumangga sa isang kotse.

Bilang tugon, muling nagpaalala ang PNP sa mga motorista na laging magsuot ng standard helmet, iwasan ang pagmamaneho kung nakainom, at magdahan-dahan sa pagmamaneho, lalo na kung hindi pamilyar sa daan.

Samantala, mahigpit ding pinaaalalahanan ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag ang mga motorista na sumunod sa mga awtoridad at umiwas sa mga gawaing maaaring magdulot ng aksidente sa kalsada.

#BaliwagCity