

Opisyal nang binuksan ang ika-2 Sangguniang Panlungsod ng Baliwag sa pamamagitan ng isang Pasinayang Pagpupulong noong ika-4 ng Hulyo, na pinangunahan ng Tagapangulo nito at Pangalawang Punong Lungsod Ferdinand V. Estrella.
Kasama ang mga halal na konsehal na bumubuo nito, isa-isa silang nagbahagi ng kanilang makabuluhang mensahe na sumasalamin sa kanilang tapat at buong pusong paglilingkod upang maisulong ang mga batas at ordinansa na kapaki-pakinabang para sa mga mamamayan ng lungsod.
”Malapit sa aking puso ang Sangguniang Panlungsod dahil isa ito sa naghubog sa akin bilang isang lingkod bayan. Nagsimula bilang Tagapangulo ng Sangguniang Kabataan na kalauna’y naging Tagapangulo ng Liga ng mga Barangay, bago ako naging Punong Bayan at Punong Lungsod”, ani Vice Mayor Ferdie, na nagbahagi ng kanyang karanasan bilang isang lingkod-bayan.
Ibinahagi rin sa pagtitipon ang Executive Agenda ng Punong Lungsod na si Mayor Mommy Sonia V. Estrella. Ito ay magsisilbing gabay sa pagpapatuloy ng mga nasimulan at pagtupad sa mga bagong pangarap para sa mga Baliwagenyo.
Ang Sangguniang Panlungsod ng Baliwag ay patuloy na magsusumikap upang bumuo ng mga ordinansang magpapanatili sa kaayusan at tunay na malaki ang maiaambag para sa pag-unlad ng lungsod.
#BaliwagCity
#SerbisyongMayMalasakit
#AlagangEstrella
#2ndSangguniangPanlungsodNgBaliwag
#InauguralSession
#DugongBaliwagPusongBaliwag