Sa direktiba ni Mayor Ferdie Estrella at sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO), nagsagawa ng mga libreng skills trainings para sa mga mamamayan sa loob ng kulungan, o mas kilala bilang Persons Deprived of Liberty (PDL), noong ika-25 hanggang ika-26 ng Hunyo 2024.

40 na PDL ang sumailalim sa Digital Printing Production training kung saan ay natuto sila sa pagdi-design at pag-iimprenta sa mga damit, mug, ID lace, caps, coin purse, at iba pa. Layunin ng programang ito na bigyan sila ng oportunidad na magkaroon ng mapagkukunan ng kita at matuto ng mga kasanayan na kanilang magagamit kapag sila’y makalaya na muli.

Naging bahagi rin ng programa ang JCI Baliwag Buntal kung saan ay maghahandog sila ng karagdagang printing machines na magagamit ng mga kababayan natin na nasa loob ng piitan upang maipagpatuloy ang kanilang pagsasanay.

Ang programang ito ay magiging daan para sa mga bilanggo na magkaroon ng bagong pananaw sa kanilang buhay at magamit nila ang kanilang mga natutuhan upang maging produktibo at makatulong sa kanilang pagbabagong buhay pagdating ng panahon ng kanilang reintegrasyon sa lipunan.

#BaliwagCity