Noong Mayo 29, personal na nakaharap ni Mayor Ferdie V. Estrella ang mga benepisyaryo ng Special Program for the Employment of Students o SPES, isang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang Baliwag City Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni PESO Manager Ms. Jennelyn Marcelo-Sabangan.

Sa ilalim ng programang ito, binibigyan ng oportunidad ang mga estudyante na magkaroon ng pansamantalagang trabaho habang sila ay nasa kanilang summer o semestral break, at upang magkaroon ng pagkakakitaan na magagamit nila sa kanilang pag-aaral.

Ang mga SPES beneficiaries ay itinatalaga sa iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod sa loob ng 20 araw, habang ang iba naman na magtatrabaho sa pribadong kumpanya ay magkakaroon ng 30 araw.

Ngayong taon, may kabuuang 91 SPES beneficiaries sa lungsod.

#BaliwagCity
#SPESBeneficiarie